2nd year high school ako unang nakapanood ng sine mag-isa. ibang klaseng sense of freedom yun for me. P15 lang yata sine nun. P25 naman pag sa taas. ngayon P90 na, sa SM pa yan ha. ok lang. kaya naman eh. waw ibig sabihin yumayaman ako. ang latest kong napanood matrix revoltuions, bago nyan, first romance. ahh kaya ko pala na-alala yung una kong nood ng sine. kasi yung problema nung dalawang bida sa first romance walang kwenta. eh yun yung mga pinoproblema ko nun. ahihihi baduy pala ko nun. first kiss ko sa cheeks mukha kong gago. after kong nahalikan yung girl, dun ko unang nalaman na mabilis naman pala ako tumakbo kung gugustuhin ko. kulang nalang nun te-take off na ko, parang yung sa ET sa sobrang saya. tapos yun na. haha.
i have the worst case of apathy. wala na talaga akong pakialam. lalo na sa news. sa impeachment. sa economy. ang gulo kasi. bakit di nalang kasi magtulungan para matapos na to. trabaho nalang tayo lahat.
lapit na pasko. di ko ma-alala yung title nung cebuanong christmas song na yun. basta nasa bilangguan yung babaeng kumakanta. “merry xmas nalang.. sa akong mga biniyaan..” parang ganun. hanapin ko muna. kakadownload ko lang din ng dark beat ni oscar g! yey kelangan na magpractice ng, ika nga ng roommate ko, “cool” dance steps.. basta astig tignan. laglag panty ng chix na makakakita sa yo with those moves oooohhh baby!

