1030 am, kahabaan ng quezon avenue. nagluluha na ang mga mata sa init ng araw. pero nakatitig parin sa kawalan, pilit hinahanap ang kapalaran mula sa sulok ng isang nabubulok na jeep. mapapangiti, didilaan ang natutuyong mga labi, sabay lunok, ng sumakay ang mag mula ngayon ay tatawagin kong dyosa, dyosa ng mga tanghaling mainit..
shinampoo nya lang ang mahaba nyang buhok, na ngayon ay nakatali sa likuran. salamat naman o dyosa, at masisilayan kong muli ang makinis mong leeg at batok. bagay sa yo ang blue, at kuhang-kuha ng itim mong jogging pants ang hugis ng mga legs mong nagmula pa sa langit. mapapayuko, magbibitaw ng konting ngiti sa sarili sa natuklasan.. ikaw lang dyosa ko, ang nakaka-upo ng ganun ka elegante, sa lahat ng nakasabay ko sa jeepney.
wag mo kong titignan ng ganyan.. matutunaw akong parang ice cream. wag mong ia-abot sa kin ang iyong pamasahe.. hindi ako karapat-dapat makahawak sa iyong mga daliri.. wag kang uusog sa tabi ko, hayaan mong tabihan ako ng tindera ng palitaw.. itim pala ang bag mo. jansport pa.
“bakit in kilometers ang pagsukat ng mileage?” itanong mo sa dyos pare. itanong mo na rin kung pano magmahal ng isang dyosa.
posted Thursday, 4 December 2003

