weeks ago nakausap ko hanggang umaga ang isa kong kaibigan na matagal ko ng kras. malamig na ang simoy ng hangin mula sa pasipiko at salamat sa coke at chirchirya hindi na namin namalayan ang oras. mapaglinlang ang gabi. walang soft light ng umaga, walang init ng tanghali, walang hiwaga ng takipsilim. nandun lang kami. nakatingin sa mga bituin. suspended sa kinalalagyan. nangangarap ng hanggang walang hanggan. sa mga sandaling yun minahal ko sya. pero alam ko hanggang dun nalang yun. hanggang paghanga lang. natutulog na ng mahimbing ang mga anak nya. at uuwi na bukas ang asawa nyang pilit nyang minamahal. kung pwede lang sana magnakaw muli ng sandali at mabigyang hugis ang kung ano mang namumuo sa aming pagitan..

