10 years ago kung usapang kasal ang nakahaing pulutan lahat siguro ng kabarkada ko willing magpakasal 5 years later. ngayon 10 years later na, iilan pa lang ang nabiktima. pero alam ko nauubos na kami. lord, sana ako ang huli.
unang-una kong iniisip yung financial aspect ng pag-aasawa. etong kinikita ko nga kulang pa sa akin pano pa kaya kung may pamilya na. karamihan takot na maghirap, ayaw ng dumanas ng hirap. pero sabi ng iba, mag-iiba naman ang focus ng paggastusan, so parang ganun narin. kung dati ok lang sampung bote ng beer bawat gabi, ngayon daw, isa o dalawa nalang. yung walong bote, ipagpapalit na sa gatas o diaper. hmm pwede.
pangalawa, ang hirap yata ng isang babae nalang ang mamahalin habang buhay. pano kung may dumating na mas matindi? o mas mahal mo? o true love pa? sabi ng isa kong kaibigan, marriage is a choice. a choice to stay committed to your partner. kung may dumating na matindi, papasukin. pero di pwedeng magtagal. wala na eh. kung para kayo sa isa’t isa, e di sana kayo ang kinasal. pwede.
pangatlo, at pinaka mahalaga, ang pag-aasawa ay isang paraan ng diyos para patawarin ang mga makasalanan. lahat tayo gusto gumawa ng mabuti sa kapwa. sa pag-aasawa, pwede mong gawin yun araw-araw for the rest of your life. magaing mabuti kang asawa, pagsilbihan mo ng breakfast in bed, damayan mo kung maysakit, patawanin mo kung malungkot, pakainin kung gutom, mahalin mo ng walang hanggan. kung sana ganun ang isipin ng lahat, na ang pag-aasawa ay biyaya kasi magiging mabuti kang tao, wala na sanang iiyak sa mundo. wala na sanang gulo.naniniwala na ko sa sinasabi nila, na ang pamilya ang foundation ng isang society. kung maganda ang pagsasama, gaganda rin ang society.
10 years after ng unang sumagi sa isip ko ang pag-aasawa, ang lungkot kasi wala akong girlfriend. walang nagmamahal. haay. sana wag isipin ng iba na dahil manyak daw ako ay masama na akong tao. mapagmahal lang talaga ako.
thanks to jasonV for jay and lalay’s pic..


