ang series na to ay dedicated sa pinaka makinis kong opismate.
“hampas”
1.pag hinampas ka sa balikat ng isang babae, crush ka nun.
2.joke ka pa ng konti, pag lumalakas ang hampas, lumalakas din ang tama nya. humanda ka lang next time, hampas din sa balikat ang ibabati sa yo.
3.pag hinampas ka sabay hawak ng medyo madiin, good sign yan. she’s checking you out physically. tinetesting kung masel ba talaga yan o taba. syempre flex ka lagi. pag dumidiin ang hawak, lumalalim din ang pagnanasa.
4.pag hinampas ka sa dibdib, iuwi mo na.
———–
ang mga babae, madali lang basahin yan. kung di ka nila type, hindi ka nila hahawakan. walang physical kontak kahit daplis. pero hindi ibig sabihin nun na wala ng pag-asang mapansin ka. kelangan gumawa ka ng paraan, ikaw ang lalaki eh. sensya na, kung kamukha sana kita e di mas madali buhay mo. hehe jokelang. ang target dapat sa bawat pagkikita ay mahampas ka man lang sa balikat. ang pinaka maiging paraan ay magpatawa. at pinaka effective jan ang corny jokes. walang biro. hampas kaagad yan. pero wag ka naman din maging bobo. kung pangalawang corny joke mo na at walang reaksyon, mag kunyari ka nalang na may tumawag sa yo sa cellphone at kelangan mo ng umalis para asikasuhin ang nag crash landing nyong jet.. tandaan, dalawang corny joke lang. on the third failure, kick out ka na. huhubaran ka na sa cr nila sasabihin maliit etits mo.

