yung mga ngipin nya basta nalang tumubo na parang pinagsabihan na “find your own space and contemplate”. yung gilagid nya naman lider-lideran at pilit sinisipa palabas ang mga nagmamatigas nyang ngipin. pero ano pa mang gyera ang meron sa bunganga nya, maiinggit ka sa ngiti nyang hanggang tenga. walang pakialam. iilan nalang sa atin ang may kayang gumawa nyan. karamihan nangangarap maka afford kay belo o calayan. bilanggo na kasi tayo sa konsepto ng kagandahan. eh libre lang naman dapat ang ngumiti ng ganyan.

