dalawamput apat ang laman ng isang case ng beer. bente ang laman ng isang pakete ng yosi. kelangan mo ng mas maraming bote para makapagsalita. ang yosi, pang small talk lang yan, panimula sa mahaba-habang usapan. kung bakit kasi huli na tayo nagsimulang uminom at magyosi. mas marami na sana tayong nasabi.
ang musika ay sandata na tagos sa laman ang tama. sa ating paglipas sana may maka-alala, na minsan tayoy nagkasama. beer yosi istorya at musika. maliliwanag na ilaw at entabladong masikip na. kung bakit kasi hindi nakakain ang istorya at musika. mas marami na sana tayong masaya.
photo: arvi, mae ann and markku. pop ratio gig. location: bl_e without u bar, esquinita, sgt esguera st. quezon city. december 2006.

