apat pa apat pa! taenang nakaka binging mala-adjutant na sigaw ng barker yan. hindi tuloy ako makapagsenti habang nakikinig sa song of the moment ko. dalawa pa yan magkabilaan pakiusog lang! sabay palo sa gilid ng jeep. pakiramdam ko para akong nasa tren kasama ngĀ mga jews nung panahon ng gyera sa poland. waw. press rewind. imbis na musika, etong boses ni billy corgan parang konti lang lamang sa taghoy ng kinakatay na kambing dahil sa ingay.
press stop. hindi pa yata ito ang panahon para magsenti. hintayin nating bumaybay na ng kahabaan ng quezon ave etong jeep bago tayo magsimula ulit.
malamig pa ang simoy ng hangin sa enero. para itong buhok na shinampoo sa pantene ng humaplos sa kanang pisngi ko. malamig at nakakakiliti. pero hindi bastusing kiliti. pwede na. press play. ma sa tabi lang! intro, drums, fade in lead. ma sa tabi lang! ampotah. bumaba si miss sexy. sumakay si yao ming. taena. bakit kelangan kaharap pa kita? araykupo. dude, tuhod ko na yan. waw. boses kambing na ulit si billy corgan.
press stop. hindi pwedeng hindi sumabay sa build up ng high ni billyboy. lugi naman kung sya lang ang napopossess, dapat ako rin. mamaya na nga lang pagbaba.
susugod pa ko sa bituka ng palengke kasama ang mga isda gulay suklay dibidi at ponkan. sasakay pa ko ng tricycle at mauuntog pa ko sa bawat hump habang tinitiis ang high amplitude na tunog chainsaw. iiwas pa ko sa asong itim na nagtatapang-tapangan sa harap ng gate naminĀ kasama ang sidekick nyang si wayti, na parang nagrarally.
pero di bale. isang oras nalang, full blast na tayo sa saya. ang ingay magiging musika.
ang hirap mawalan ng kotse.

