eto na yata ang pinakamahirap na parusa sa akin. hindi ko kayang kumuha ng sample ng sarili kong tae. oo inaamin ko kaya kong dilaan ang pwet ng mga mukhang kabayo pero yung kumuha ng pea-size stool sample shet neber palaman snowber. buti nalang may nakuha akong magandang idea na maglatag muna ng tissue paper sa bowl at piliting wag maihi at piliting putulin ang jebs na ayon sa nararapat na bigat at sukat. wag kalimutan, pea-size lang. isang buwan makalipas, naglabasan na ang result ng annual physical exam sa office. ang resulta nung akin when it comes to consistency: formed. waw. inggit ako sa isa kong opismate, yung sa kanya: well-formed. mas waw.
at dahil nakayanan ko ng kumuha ng sarili kong tae, naisipan ko na ring magbigay ng dugo for the first time. masakit sa simula pero nung tumagal na medyo ok narin. nanigas na naman ako syempre pero ganun lang talaga. buhay pa naman ako.
medyo nahihirapan ako sa idea na may kinukuhang parte ng katawan ko para sa mga eksamen na ganyan. ewan ko ba, siguro swapang lang ako sa mga body excretions ko. siguro gusto ko lang iaalay sa isang tao ang lahat ng meron ako. hehe. sige na nga, isang tao at a time.
masakit talaga at minsan nakakahiya pa, ang kumuha ng parte ng sarili mo para sa iba. yung ibang pagbibigyan mo kasi, minsan ine-examine ka lang. kung hindi ka papasa, itatapon lang nila. meron naman ding ilan, na ikabubuhay nila ang ibinigay mo. ganun lang yata talaga. wala ng singilan pagkatapos magbigayan. kung masakit, tanggapin nalang. kung may magpasalamat, walang anuman.

