last year pinangarap kongmagka-abs at biceps. nagbayad ako ng trainor at bumili ng food supplements. after 5 weeks kita na ang epek. kaya lang, meron akong bad habit na hindi ko matigil. sabi nga ng kaibigan ko, dont put your tongue where it doesnt belong. na diarhea ako ng dalawang araw. wala lahat ang P14k na ginastos ko. abs at biceps down the drain. waw.
kaya nung pasko pag uwi ko ng probinsya, bukod sa pagpapacute at pangungulangot, wala na kong ginawa kundi kumain. load up. patabaing baboy. kumain akong parang tatlong taon akong kumakain ng lupa. sayang di ko nakunan ng picture ang pinaka masarap kong nakain nung pasko. yung brownies na di ko alam saan inorder ng nanay ko. eto ang next best thing.
cassava cake! kain na!
waaah sarap ng pagkain sa bahay.

