minsan lang ako maging seryoso ng todo sa trabaho pero ngayon medyo nasobrahan yata ako. kasi bukas pagising ko, huling araw na ng pebrero, 2007. waw. ang huling ala-ala ko eh kakabalik ko lang galing surigao para sa pasko. lasap ko pa ang napaksarap na brownies na di ko alam saan inorder ng nanay ko. pero bukas eto na nga, huling araw na ng pebrero. tapos sisingilin na yata ako ng renta dito sa opis kasi 2 araw kada lingo dito ako natutulog.
kaya nung umuwi ako ng bahay nagulat ako kasi sira na yung gripo, pundido na ang ilaw sa banyo, hindi na umiikot ang relo, at sira na ang remote control ng tv. syempre medyo uminit ulo kasi ang huling ala-ala ko nga bagong-bago ang mga yun, katas ng pasko. tapos imbis na yakapin ko na ang miss na miss ko naring unan kelangan ko pang bumili ng ilaw at pliers pang-ikot sa gripo at battery para sa relo at remote control. hindi na rin ako magugulat kung hihinto na sa pag-ikot ang electric fan at ayaw na magflush ng toilet. kasi joeyboy, dalawang buwan mo ng di pinapansin ang bahay mo.
yung mga gamit sa bahay pag nasira kadalasan sabay-sabay yan. tapos sasabay pa kapag bad trip ka. naisip ko, hindi naman nangyari kin to dati. naisip ko rin, ngayon lang kasi ako naging ganito ka busy. ngayon ko lang di natuunan ng pansin.
ganun yata talaga no? pag naging busy ka sa trabaho o kahit anong bagay pa man yan at magpapakain ka sa stress, lilipasan ka ng araw, at magkaka-watak-watak ang mga bagay na akala mo walang halaga sa yo. pano pa kung may pamilya na? tsk tsk. sigurado hindi ako tatanda ng ganito.
kaya sa huwebes, pahinga muna ako sa trabaho. dahil miss ko na sarili ko, pamilya ko, at mga kaibigan ko. at para pagising ko sa huling araw ng marso eh magandang alaala ang ma-alaala ko.
at dahil summer na. at dahil namimiss ko na ang bora. kitakits







