kunyari nagising ka isang araw tapos presidente ka na pala ng pilipinas. ano gagawin mo? babaeng engr na mahilig sa chika: ay shuks di ko alam gagawin ko, parang hindi ko pa napag-isipan maging first lady. siguro pag nag-away kami ng asawa ko tatawagin ko kaagad si korina.
wala na naman kami magawa sa ofis. nangangarap na naman kami ng alanganin.
—————————–
marami akong naririnig na di pabor sa slogan ni mike defensor. walking tol. pakshet. short ka ‘tol, short. mas masaya ang tawag ni logan sa kanya, mike “braces” defensor. smile ‘tol.
mas marami ang di sang-ayon sa ginawa ni pichay. itanim sa senado. although effective, biyayaan ka ba naman ng apelidong gulay. ang lakas ng name recall. pangarap ko daw, pangarap din nya. lagot. goodbye kristine hermosa.
—————————-
panahon ng pangako ngayon. panahon din ng pangarap. sa panahon ng kampanya, ang mas hinahanap ko, plano. feasible na plano.

pero syempre, ano ba naman malay ko kung maging demonyo ang mga iboboto ko. haay. di ko kayang ipaubaya lang sa boto ang kinabukasan ng mga magiging anak ko.
————————–
sana nga pagising ko bukas presidente na ko ng pilipinas.

