yup lumabas ako bilang guest sa rockedradio kanina over nu107. ganun pala itsura ng radio station. isang oras yung radio show pinag usapan namin pulitika at showbiz and i was giving insights on the political scene sa probinsya. pag on air ka pala yung isang oras parang sampung minuto lang. nothing fancy. yung mga guests, tao lang din. yung dj, kala mo pagkalaki-laking mama pero mas matangkad pa ko. hindi ko pala ganun kakilala yung radio as a medium. kelangan mong maranasan para maintindihan.
dati nung may kotse pa ko araw-araw akong nakatutok sa radyo at pakiramdam ko napaka insignificant ko compared sa mga dj’s na lagi mong naririnig. kasi yung mga nagsasalita sa radyo madaling maka kuha ng sympathy sa listeners. kung may caller na tanga, or kung suddenly biglang may brilliant na sasabihin ang dj pagdating mo sa opisina ikukwento mo na yun or i-kuquote mo sila.
kanina habang andun ako inisip ko yung mga listeners na kunyari ako yun. ansakit sa ulo pala pag ganun. kasi kelangan kong pag-isipan lahat ng sasabihin ko kasi alam kong konting mali ko lang kakalat na sa emails yun, or may ba-blog about it. ngayon ko lang truly na grasp yung power ng radio media. siraan ko lang yung kung sino sira na. tsismisan na yun. pero pwede ko rin purihin ng todo yung gusto ko at maraming maniniwala.
mukhang mas ako pa yata ang natuto sa experience na yun kanina kaysa mga listeners. instant media education phd ang nakuha ko. at masay ako kasi kahit papano nangyari to, na nagsalita ako sa radyo. parang anlayo na narating ko.. dati nagpapakain lang ako ng baboy sa backyard namin sa surigao. at panay paksiw ang ulam namin. parang gusto kong tawagan si inay at sabihing, inay, nagtagumpay ako sa pakikipagsapalaran sa maynila!
sa mga nakinig kanina, salamat! sana may natutunan kayo.
punta kayo dito for the recap and to react: rockedradio.com
——————————–
nung sabado nanood kami ng tulad ng dati ng the dawn. ang galing. bilis habulin nyo nasa megamall pa hanggang next week.
——————————–
impak sa sobrang galing naenganyo kaming gumawa ng podcast. nung kabataan kasi namin nauso rin ang banda-banda. eh nakataon na kasama kong nanood sila jonas at markku na may banda simula pa nung high school. suntok sa buwan na ang gumawa ng pelikula mala tulad ng dati, kaya we settled for the next best thing: a podcast.
visit http://www.pisay96.net/ para marinig nyo.
pasensya na kung medyo marami kaming pag-uusapan about our batch pero kasi batch site yun so ganun. pero pero we will not limit ourselves to topics na ang batch lang namin ang nakaka alam. daan parin kayo baka may mapulot kayo or baka may gusto kayong malaman na chismis about a batchmate of ours.

