mapanghi na ang mga dingding ng dumaan ako sa madilim na kalyeng yun papuntang ayala station ng mrt. pinaghalong ihi ng mga taenang driver ng motorsiklo, taxi, jeep, bus at mga nagtitinda ng kakainin at yosi. mabilis akong naglalakad nun para maabutan pang bukas ang paid lavatory sa 2nd floor ng glorietta 4. taena kasi, kumukulo ang sikmura ko sa nakaing mango crepe. malas lang, may problema ako sa amoy mapanghi. may direct line trigger yun sa pantog ko na maihi.
oo alam ko pagsubok lahat to pero wala naman sanang ganyanan, lord.
mala-monggong pawis na ang namumuo sa kilay ko at kasya na hinlalaki sa butas ng ilong ko ng marating ko ang station, matapos kong akyatin ng pa-ekis ekis ang taenang hagdanan yan. kinulang daw kasi ng pondo pang escalator.
taenang pagdurusa to, pati problemang pampulitika nung panahon pa ni ramos naalala ko.
bag inspection. matandang mabagal maglakad at tititgil bigla sa gitna. salesman na nagtutulak ng kariton. isang milyong tao sa loob ng mall. animoy mga langgam na di alam ang patutunguhan. kelangan ko ng kapangyarihan ni moses. mahati sana sa gitna ang lawang ito ng sangkatauhan papuntang paid lavatory sa 2nd floor ng glorietta 4.
ang dating sampu naging kinse. may limang piso ka sir? keep the change sweetheart. tatlong cubicle lang. apat kaming naghihintay.
bakit ganun no? kung kelan ka nagmamadali parang lahat bumabagal? tapos kung kelan gusto mong bumagal eh tsaka parang ambilis?
siguro kasi pag nakukuha mo na yung gusto mo nasususpend yung concept mo of time. nakakalimutan mo na umiikot ang mundo. eh hindi ka si kris aquino kaya walang pakialam ang tao sa yo.
sa araw na yun minahal ko si bayani fernando. ang katapat ng mapanghing dingding na yun, isandaang mga driver ng motorsiklo, taxi, jeep, bus at mga nagtitinda ng kakainin at yosi na nakangiti. malas ko lang at pinalaki akong masunurin sa batas.

