madalas kapag may kainuman akong babae, lagi akong tinatanong kung ano daw ang mga senyales ng mga lalaki kung nais nilang makipagtalik sa isang babae.
hmm teka muna wag muna itaas ang kaliwang kilay miss minchin. pasensya na, panahon na kasi ngayon ng makabagong pilipino. hindi na kami kulong sa pag-iisip na kung may gustong makipagtalik sa yo eh papayag ka na dapat. pwede nyo rin gamitin to para maka-iwas sa mga manyakis na apat na anak sa iba’t-ibang babae.
pero sige na nga. pg-13 tayo. ano sensyales ng mga lalaki kung nais nilang pag-alayan ng mabubuting gawa sa pang romantikong aspeto ang isang babae. ewan ko nga ba kung bakit kelangan pang itanong to. kung pinagkakalat nyo na kayo ay matatalino at maalindog na mga babae dapat kayo nagsusulat neto.
pero pramis miss minchin, hindi ako magkukwento ng details. alam mo na yun.
una. madalas nakatingin sa labi. common knowledge na kung bakit naimbento ang lipstick. kaya mga ineng iwasan ang madalas na pagdila sa labi.
pangalawa. madalas nakatingin sa dila. kaya mga ineng, wag mandidila. iwasan ang pagkain ng ice cream cones.
pangatlo. nakatingin sa boobs, bagsak ang baba. pag patak ng trese, alam na naming hindi lang pang-baby yan.
pang-apat. panay hawak sa bewang. kaya maraming gusto ng sweet dance sa prom. ang hirap magsayaw nung prom.
panglima. teka. tinatamad na kong maglista.
minsan tinanong ako, kung ganun daw, ano na pinagkaiba ng pag-ibig sa kalibugan? ang lungkot naman kung hindi ka nalilibugan sa mahal mo sa buhay. hahay. ang isang tao kapag umaandar ang libog, by parts lang nakikita ang isang babae. boobs lang. labi lang. binti lang. pwet lang. by parts. alam ko hindi nyo naman talaga gusto malaman ang mga senyales kung gusto kayong kangkangin. ang isang tao pag nagmahal, kabuuan ang nakikita. lahat ng labis, lahat ng kulang.. lahat yun kaaya-aya.
hindi ako basta manyak. manyak ako para sa bayan. kung nagkaisa lang lahat ng manyak para sa bayan e di sana wala ng mga pangakong napako as pulitika.
miss minchin, ganda ng ngiti nyo ah. pakitanggal nga ng salamin mo, may gusto akong makita.

