alas dos na yata ng hapon nung magising ako sa ingay ng mga kapitbahay, basag tonsils kakasigaw para kay paquiao. tamang-tama round 7 ang naabutan ko. syempre alam nyo na lahat kung ano kasunod.
hindi ko mapigilan ngumiti ng marinig ko na ang after interview. bukod sa napaka refreshing sa mata na wala si chavit at FG sa likod nya, hindi ko inakala na masasabi nya yun. tinanong sya ni chino trinidad kung ano masasabi nya sa mga naninira sa kanya, lalo na sa pagtakbo nya sa pulitika. sabi nya, sana, magpakapalit nalang tayo ng puso. mahirap nga naman ipaliwanag ang malasakit para bayan.
nung araw na nabuksan ang mga mata ko sa tunay na sitwasyon ng lipunan, napipi rin ako, at kinapos sa akmang mga salita, para maipaliwanag kung bakit ako lumuluha sa kawalan ng pagkakataon ng karamihan na mamuhay na marangal. kung bakit ako nagagalit sa hustisyang hindi pantay ang turing sa lahat. kung bakit pilit kong binabangon sa munting mga paraan ang karangalan ng bayan na matagal nang natuyo, daig pa ang mga babolgum na nakadikit sa mga lansangan.
sa araw na yun, totoong naging bayani ko si pacman.
oo bobo naman talaga sya kasi wala syang pinag aralan. di tulad nating high flying na may degree sa electronics and communications engg, major in digital signal processing mula sa UP Diliman. ang sarap pagtawanan ng bobo. ang sarap alipustahin ang kabobohan ng iba. ang sarap pagtawanan ng mga taong kahit maligo man sa ginto alam mong lumaki talaga sa kahirapan. ang sarap tapakan ng mga taong mali mag pronounce at kulelat sa grammar. oo malamang may magaling syang speech writer at tinuro lahat sa kanya yun. malamang strategy nila yun para swak sa airtime. at kung anu-ano pang mga bagay na tayong matatalino lang ang makakaisip.
pero kasi ang malinis na puso ay walang itinatago. mangingibabaw lagi ang katotohanan. at sincere ang mga mata. at kung yan ang basehan ng karangalan, dun ako papanig sa mga bobo. ang sandata ng mga bobo ay katotohanan. at yun ang nakita ko kay pacman. sinseredad at katotohanan.
naisip ko, sadyang tinadhana na sa seventh round ako magising ng hapong yun. para marinig ko yung bahagi ng speech na yun. kasimpleng paliwanag. sana nga magkapalit nalang tayo ng puso. panalo.
—————————-
kung papipiliin ako kay darlene custodio o manny paquiao, dun ako kay darlene custodio. pareho silang may merits. mas marami nga lang kay darlene. taena wag na tayong mag lider-lideran at magpagalingan sa pakikipagtunggali sa pulitika. inuman nalang!

