may kaibigan akong nagigising ng maaga para pumunta ng dangwa sa manila tapos bibili ng bulaklak tapos ihahatid sa mahal nya na nakatira sa quezon city. yan ang magandang good morning para sa isang taong nakatira sa pasig.
may kaibigan naman akong nagigising ng maaga para maagang makapasok sa opisina at para maaga ring makauwi sa hapon tapos susunduin nya yung mahal nya para maihatid sa paranaque pag gabi. yan ang magandang good evening para sa isang taong taga fairview.
tapos tinanong mo ko, kung bakit hindi ko ginagawa to. mga munting bagay na nagpapangiti sa nililigawan mo.
kanya-kanyang paraan yan. ang sa akin naman, hindi ako ganun ka die hard sa hands-on ligawan. hindi ako naniniwala sa ligaw. dun ako sa sparks. instant attraction.
mas pinagtutuunan ko ng pansin yung personal development ko, as a man for others, and as a man for myself. hinahanda ko ang sarili ko para sa mamahalin ko habambuhay, para pag dumating sya, alam kong worthy ako sa paningin nya. kasi buo yung katauhan ko. kasi kahit papano may character akong ipapakita. hindi ako pwede sa doe-eyed pacute, effort na sa akin magsinungaling.
ayoko ng babaeng tumatambling sa rosas o natutunaw sa chocolate. gusto ko ng babaeng independent at strong-willed. hindi naman sa puntong wala ng puso. gusto ng babaeng matalino at alam ang gusto. gusto ko ng babaeng hindi naniniwala sa ligaw.
gusto ko kang-kang agad. nasa panahon na tayo na hindi na dapat binibigyan ng malisya o makamundong bahid ang pagtatalik. para sa akin, kung pareho kayong hubad wala na kayong maitatago. katotohanan na ang lahat. sa experience ko, we are most honest right after sex.
pero ayoko naman ng manyak. may favorite movie din naman ako. at favorite color. pwede natin pag-usapan yun.
naku anlayo na naman ng narating ng makating dila ko. pasensya ka na. pasensya narin kung di ko kayang gumising ng maaga para mabigyan ka ng rosas mula sa dangwa, hindi ako mahilig mag good morning. pasensya na rin kung di kita hinahatid sa gabi, hindi rin ako mahilig mag good evening.
pasensya na rin, pero hindi ko ihihingi ng pasensya ang pagkatao ko. hinubog ko kasi ang sarili ko para sa yo. para hindi lang good morning o good evening ang makukuha mo, kundi good life.

