ansakit na ng paa ko kakalakad. at naluluha na mata ko sa pinaghalong pagod at malamig na buga ng aircon. ngayon ko lang naisipan umupo. ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit ako nandito sa greenbelt. eh hindi na ko car pipol. kanina pa ko lito sa kakaisip din, taena ano ba, bakit ba ko bibili ng ipod?
kasi joeyboy matagal mo ng pangarap magmukhang call center. kasi joeyboy lagi kang naka white shirt at hindi ganyan ang itsura ng call center. kasi joeyboy lagi kang naka adidas mukha kang studyante ng human kinetics. wala kang call center white shoes. kasi joeyboy kalbo ka, hindi ka nagje-gel. wala kang perfume. wala kang tshirt na may collar. wala kang kotse. kaya ka andito para magmukha kang call center. para magmukha kang mayaman. kaya ka bibili ng ipod.
eh taena, malas ko kasi sa opis. katabi ko ang the world’s most fashionable engineer. yung polo nya binili nya sa maldita man. waw. may ganun pala. e diba si cherie gil model nun na kumain ng praying mantis? tapos yung wallet nya galing sa sari-sari. tapos yung isa nyang tshirt galing sa prp. hindi mo alam ang prp? ay mahirap ka. dukha. hampaslupa. hehe people are people daw yun. kitams? pareho tayong mahirap.
bakit ba ang tulis ng sungay mo sa call center? eh taena kasi, lahat sila mukhang malinis mayaman at mabibilis mag ingles. mukhang call center na ang sagot sa kahirapan ko. at ng magkaroon naman ako ng syotang pang atc. alabang town center. sawa na ko sa pang ali mall lang. ang yabang mo gago. pang isetann nga mukha mo eh.
kaya nga ko bibili ng ipod at white shoes at perfume at tshirt na may collar para magka gf ng ganun din. eh baluktot ka mag ingles. wala kang alam na brand ng perfume. at iced mocha lang alam mong orderin sa starbucks. at di mo kaya ipronounce ang parfait at croissant. kaya kong ispell..
para akong gago. ilang oras na sinayang ko kakalakad dito. kung tutuusin, kaya kong bilhin lahat yun ng isang oras. hindi ko naman problema ang pera. malungkot na masaya, na dati sabi ko kung kaya ko ng bilhin ang mundo wala na siguro akong hihilingin pa. nagkakotse na ko. every quarter din ako dati magpalit ng damit. namimigay na ko ng sapatos na hindi ko ginagamit. dalwang libo bawat putok na pekpek natikman ko narin. at taena, may mp3 player na ko na na may fm pa. malungkot na masaya, na ngayong andito na at bumabaha na ang pera, bawat piso walang kwenta.
malungkot lang pala. na sa kakalibot ko dito sa greenbelt, narealize ko, yung kelangan ko pala ay hindi binebenta.
pero sige na nga.. may ipod daw si sharon cuneta.

