at dahil sa sobrang boredom naisipan ng kaibigan kong magshopping nalang daw kami para makalimot at para magkaroon ng bagong perspective in life. sabi na nga ba. malaking pagkakamali ang itext ang kaibigang babae pag wala kang magawa. buti nalang kalahating tanga lang ako at bago pa nya maisipang ubusin ang credit limit ko pinigil ko ang sarili ko at sumigaw ng tama na! tama na! igagawa ko nalang ng bahay ang mga mahirap!
napadpad kami sa rustans at hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang pagka abala nya, parang refugee na hindi nakakain ng ilang araw, parang taong sobrang tuwa kasi sa wakas di na sya kakain ng lupa.. di ko maintindihan ang psychological upheaval para lang makabili ng isang pares ng crocs. ampotah. P800 bawat pares. eh P30 lang yan sa barangay bagnan surigao del sur. pambansang tsinelas yan doon kasi matibay at maasahan sa paghila ng mga kalabaw at kambing. tapos dito sa rustans at sa bonifacio high street, nasa fuckin P800? mygash mehn. thats not conyo anymore. thats stupidity anymore!
oo na mahirap na walang class and shet and all pero you cant fool me with those pieces of crap. marketing lang ang nanggago sa mga doe-eyed fashion magazine fans. P800? grabe no. suddenly na justify ang pagkamahal ng havaianas (oo alam ko to at muntik na kong bumili pero mahal ko parin islander ko), kahit P600 a pair yun, alam kong matibay at malambot sa paa. tsaka maeenganyo kang mag nailcutter sa paa. pero yung crocs taena talaga. i cant get over the shock. binebenta kasi yun sa tindahan ng auntie ko sa surigao.
effective nga ang magshopping pag bored. kasi nabigyan ako ng panibagong perspective in life. at naisip ko na ang victims of senseless shopping ay yung mga taong bored at walang magawa. delikado.
balik na nga lang ako sa P22 per bottle sa meatshop.

