waw. antagal ko din nawala. sensya na, medyo naging busy sa buhay-buhay. medyo nag muni muni ako ng matagal, kasi ilang araw nalang 28 na ko. tulad nyo, madami din akong tanong sa tadhana. tulad ng bakit ipinagkait sa akin ang pakikipag relasyon kay claudine barretto o kristine hermosa. o kung bakit ako naglalakad sa c5 samantalang naka getz yung iba. o kung bakit ako may bagong laptop at walang kinakain ang iba. mga ganun.
salamat sa sobrang kakatitig ko sa mga cracks sa kisame, naisip ko na ang sekreto sa habambuhay na kaligayahan ay yung ipamahagi sa iba ang aking mga nalalaman sa buhay. transcendence ba, kung heirachy of needs pag uusapan.
kaya eto nagbabalik ako, dala ang panibagong pag-asa, at magpapatuloy sa pagpapaganda ng buhay. naks. heavy.
ayan, binago ko na tagline ko. pagod na kong magsenti at mag astang mayaman at mag astang kung anu-ano pa. eto, oo, papatulan ko na. hari na ng small talk kung ganun.
sa lahat ng mga hindi pa nawawalan ng pag-asa sa buhay, para sa inyo to. sa lahat ng nalulungkot, sana’y ito maging paraan para mapangiti kayo. sa lahat ng mga tarantado, manyak at kurakot sa gobyerno, sana makapulot kayo ng panibagong pananaw dito. na sana maging tarantado, manyak at kurakot kayo para sa bayan.
and to all the girls ive loved before, humanda kayo. hehe loko lang.

