lumipat ako ng bahay mga two weeks ago at habang naghahakot ng gamit, i came upon my shoebox of love letters. in between boxes of old toys and dusty mattresses, sumandal ako sa dingding at isa-isang binasa ang mga sulat dun.
ang dami kong sulat. ang dami kong sinulat na hindi pinadala, ang dami ko ring natanggap. bumalik lahat ng alaala. yung mga panahong sobrang inlab ako sa isa kong ex na ngayon ay hindi ko na kinakausap, meron namang mga walang kwentang sulat na basta lang ginawa ko para makaloko ng iba hehe basta nostalgic.
ang sarap ng pakiramdam na alalahanin ang mga panahong hindi nag mamatter ang pera o career o life decisions. ang sarap ng pakiramdam na puso mo lang ang sinusunod. yung malaya kang magmahal..
naisip ko hindi naman ako nag-iisa sa ganito. kaya gumawa ako ng blog para dun lang. para sa mga sulat na hindi napadala. para sa mga sulat na natanggap. para sa mga sulat na nakapagpasagot ng nililigawan, para sa sulat na nakapag paiyak. samahan nyo kong alalahanin ang mga panahong sobrang inlab tayo, para maging tao naman tayo kahit minsan, taong nakakaramdam.
huwag mo nang itanong sa kin, di ko rin naman sasabihin.. - eraserheads

