may kaibigan akong muslim, hindi kumakain ng baboy. may kaibigan akong buddhist, hindi kumakain ng baka. may kaibigan akong ilonggo, bawal kumain ng manok.
sabi ko sa kanila, gawa kami ng bagong relihiyon, gawa kami ng mga kakaibang dogma. i-adopt namin yung caste system ng india. may looks segregator. yung mga magaganda at mapuputi sila yung nasa taas ng systema. yung mga dry ang balat at buhaghag ang buhok, sila ang untouchables. tapos lahat required kumain ng banana que araw-araw.
teka teka dude. parang kulto yata ang gusto mong mangyari. hehe baka lang makalusot. sensya na tao lang.
maraming bagay sa mundo na sa unang tingin mo parang walang saysay o matibay na dahilan para mag exist. pero hello ang mga bagay na yan ang nagpapatakbo sa mundo. bago mo tirahin pagtripan tapakan kutyain eh subukan mo munang intindihin. baka ikaw pa ang dapat mawala.
respeto lang katapat nyan. respeto sa kanya-kanyang paniniwala.
————
sana wala ng gyera.

