friday ng hapon maagang nagyaya si patrick kasi sa wakas naaprub na yung US patent application nila ni baylon. reason to celebrate syempre. kabilang na sila sa hanay nila benjamin franklin at yung gumawa ng patent on ways to exercise your cat. kina patrick bugayong at joel baylon, mabuhay kayo at malaking ispirasyon kayo sa pagsulong ng filipino technological heroes! sigurado ako matutupad na yung mga pangarap ninyong maging most distinguished alumni sa mga susunod na homecoming sa high school ninyo. tumbling na lahat ng mga magaganda ninyong kaklase na nagpakasal sa mga gwapo daw noon pero baboy na ngayon ninyong mga kaklase hehehe tumambay kami sa filo’s, the fort at salamat sa 100 usd na dinonate ni patent holder baylon umapaw ang beer at mamahaling pulutan.
bonus pa, dumaan si peter amores ng futkal, isa sa mga pinaka hinahangaan kong ngo’s ngayon na nagpo promote ng street soccer sa bansa. kamustahan at peter dude, ayos yung bago mong gupit.
maaga akong nagising nung sabado kasi salamat kay karen na nagbigay sa kin ng directions sa pagsali, napasali ako sa mga maswerte na nagqualify sa screenings ng game ka na ba, teen edition. hehe loko lang. walangya, may exam pala yun at mga 500 kaming nag take at di ko nasagot kung ilang tiles meron ang letter s sa scrabble. waaah. pakshet. bakit ko naman babaunin ang trivia na yun? may matutulong ba yun sa pagababago ng lipunan? kaya ayun nakik-out ako kasama ang mga 400 na nagbakasali. stress. to save face kasi na press release ko na sasali nga ko sa gknb tinanong ko ma sampung kaibigan kung alam nila yung tiles sa scrabble, buti nalang sport silang lahat at hindi daw nila alam. yey. karen, salamat nga pala! di ako titigil hanggat di kita nababati sa tv hehe
pero stress talaga ang ma realize mong bobo ka at di mo alam tiles sa scrabble eh gawain yun ng mga matatalinong mayaman pakshet syempre narealize ko na matalinong mahiraplang ako kaya diko nagets yun. pero nasagot ko naman yung kung saang dam daw nanggaling ang tubig na pang inom na mga residente ng metro manila. angat dam diba? hehe buti nalang di ko pinaglaban.
so anyway sa sobrang stress ko ala una ng hapon nasa libis ako at nag spa. yep. sabi ng masahista kelangan ko daw tandaan ang pangalan ng masahista na gusto ko para hindi paiba-iba ang diskarte sa katawan ko. sabi ni sally, masahista daw sya dati ng mga marcos at estrada. syempre, pilit kong inalala kung diana nga ba o ruth yung dati kong masahista, ayokong higupin ang sumpa na dala ng mga kamay ni sally.
ang dapat alas 3 kong pag alis inabot na ng alas 4 kasi ayaw tumigil kakadakdak ni ate sally sa mga paraan ng paghilot nya kay tony manotoc at jackie ejercito. eh naku, usapan namin ni cheekie na alas 4 kami magkikita sa gateway para sa press con ni quentin tarantino. oo yung director ng kill bill, at kung medyo artsy ka, director din ng pulp fiction at four rooms. nirequest ni cheekie ng yehey.com na mag cover shoot ako for them sa press con na yun.
blonde na ang buhok ni cheekie ng dumating ako ng quarter to 5, at mukhang may residue ang sumpa mula sa mga kamay ni ate sally, di na sumipot si quentin sa press con kasi napagod daw. ayun kumain nalang kami ng pagka dami-dami sa hinandang cocktails. at muli, pinaalala ko sa sarili na ang cocktails ay hindi kaing pang fiesta sa san roque bislig surigao del sur. pero pakshet kung lumamon tong si ratbunitata na kalaban ng the dawn sa tulad ng dati, parang kalabaw na umararo ng sandaang hectarya. hehe hindi naman. medyo lang. masarap pala ang feeling na kumain sa press con bilang member ng press. masarap lagi pagkain. syempre para masarap din ang cover write up mo for them.
alas 7 kelangan nasa cubao shoe expo na kami to cover the launch of rivermaya’s ep and a new video sa mogwai cafe. first release ng rivermaya without rico blanco. panalo parin. gustong-gusto ko yung “sumigaw” na track na balita ko eh theme song na daw ngayon ng isang show sa studio 23. syempre andun ang 3 natitirang band members at sobrang accomodating sila sa amin. free food and drinks of course courtesy of warner music phils. sa tingin ko, one of the best jobs yung magtrabaho sa isang music outfit. daming gigs. dumaan sila yani yuson ng pupil at earl ignacio na blonde na ngayon. sa mga press con pala na ganun, lagi inu-una ang tv over print. either abscbn or gma muna bago “others”. waw. may caste system pala sa media.
tapos ang mga babae palakahit naka high heels kaya mag hurdles sa mga lubak sa kalsada ng cubao para lang mahabol ang screening ng latest movie ni quentin tarantino na deathproof. panalo ang movie na to, walang moral high horse at kung anu-ano pang round the bush shit.. hardcore testosterone entertainment talaga, as only the great tarantino can deliver. bons pa, andun sya sa screening at nagpasalamat after ng movie. nagenjoy kasi yung crowd. highly recommended sa mga mahilig sa car chase sequences at mga napuputol na paa. ayan. may idea na kayo.
sunday ng umaga late na ko nagising kasi may hangover sa free beer ng rivermaya at isang bote ng gran matador bago matulog. pumunta ako ng nu107 ng gabi para makinood sa airing rockedradio. ang galing ng topic, HSA or human security act. dami kong natutunan. masaya yung edition kasi naki host si karl roy along with gang and lourd.
tapos deretso kami sa meatshop para sa isang pagtitipon. andun si jim libiran at ang mga lead stars ng tribu na nanalo ng best picture sa cinemalaya. nag freestyle rap yung mga taga tondo at waw para akong nanood ng 8 mile ni eminem pero anlakas ng pinoy influence. syempre full blooded tondo dudes ang mga to. tapos sumayaw tong isang member ng jeepney joyride ni tado sa single nilang midnight special. taena nanakit tyan ko kakatawa sa hayup na yun. abangan nyo yung video, lumabas na daw sabi ni mike campillanes. tapos nun tinugtog ni junjie sa gitara ang cello suite ni bach. at tinugtog ni marco ng paramita ang intro nung man in the mirror bago dumating si mike grape ng kala at kinanta nila ang guess what, more than words. waw. hayup yung party na yun, dumating si tado, gabe yakult mercado, ako hehe basta dabest.
teka ang haba na ng entry na to. ang punto ko, ang dami ko pala dapat ipagpasalamat. halos ganito lagi ang mga weekends ko. sigurado ako madami jan magbabayad para magka weekend ng ganito ka cool. hehe. madali lang naman eh. mahalin mo lang ang bayan. at mag kukruz tayo ng landas.
———————
hekshuli, tribute ko to kay gang. dami ko gustong ipagpasalamat sa yo pero di ko mo muna sasabihin ngayon, ipunin ko nalang kasi alam ko marami pang magagandang bagay na darating ng dahil sa yo. pero pang understatement lang, hindi magiging ganito ka cool ang weekend ko kung di dahil sayo. happy birthday gang!
»read more from "how i spent my weekend vacation"