nung bata ako sa probinsya akala ko pinagkaitan na ko ng magagandang bagay sa buhay kasi taena di man lang ako makapunta ng kabilang bayan para bumili ng acid wash at USED na pantalon. minsan may mga bagay talaga na late mo na malalaman ang silbi sa buhay mo. dahil dun nawili ako kakabili ng mga pantalon nung late college at early work years. pero ngayon, BENCH nalang ang tinitira ko kasi naiisip ko wala naman silbi na tirahin ko paang mas mahal sa bench kasi di naman ganun kalayo ang porma at lagi naman ako gwapo kahit ano suotin ko.
kagabi sa gitna ng mga kwentuhan nalaman ko na ang mga taenang levis wrangler lee at USED jeans na yan ay pinapatahi lang pala sa inyong suki tailor shops! lahat pala yun fake! taena. kaya pala laging sakto ang fit ng mga pantalon ng mga uncle ko nun. pinapatahi lang joeyboy! sa silton’s tailoring sa espiritu st!!! ewan ko ba bakit di ko naisip gawin yun dati.
ok narin na ganun nangyari. baka hanggang ngayon ganun parin suot ko at baka madalas ako tumambay sa kamuning para magpatahi.

