kahapon etong katabi ko sa office medyo sumakit mata kakabilang ng 1 centavo at 5 centavo coins. kung madalas kayo magshopping sa malls, malamang kasama rin kayo sa mga nag iipon ng mga coins na to at ginagawang paper weight sa bahay.
bakit kaya ginawa pa yung mga coins na yan? diba gastos lang yan sa minting?
sa tingin ko medyo effective yan sa pagbibigay halaga sa piso, ibig sabihin may halaga na bawat centimo. kaso karamihan sa atin, dala siguro ng devaluation ng peso over the last two decades, eh iniisip na wala ng kwenta yan. ilang milyon kaya ang naaksaya kasi nawawala sa circulation ang mga baryang yan?
kapag binabayad ko yan sa jeep may ibang ayaw tanggapin yan. sa mga maliliit din na tindahan hindi rin tinatanggap. sa malls lang yata may silbi ang mga yan. mas ok sa akin yung mga online transactions kasi makikita mo talaga, every cent counts.
wala akong alam sa finance at economic shit na nakatali sa issue sa mga coins na yan. pero sana mabigyan ng pansin, sayang kasi ang halaga ng mga cents na yan. siguro isang malawakang media campaign ang gawin.
la lang. naisip ko lang. sabi kasi nung isa ko pang opismate, ”alam mo marami ako nyan, yung iba pa nga may butas sa gitna.” langya, 5 cents yun.

