ihanda ang mga sarili. manood. makinig. (dahil nasa credits ako. hehe.)

small talk guide
ihanda ang mga sarili. manood. makinig. (dahil nasa credits ako. hehe.)

habang hinihintay ko ang pinaka inaasam kong mr poon’s toppings, bigla nalang luminaw yung focus ng mga mata ko dun sa poster na nakasabit sa ding ding ng adidas sports kamp. takte, nag de-daydream na naman ako kay claudine barretto at kung bakit sya pumatol kay raymart.
mula kay claudine nag juxtapose ako to jana victoria, wag ka mag-alala, wala akong balak na masama kay jana. nakapirma kas sya dun sa poster kasama ng mga pangalan nila chito loyzaga, zoren legazpi at marami pang iba. poster yun ng mga well wishers nung opening yata ng sportskamp. daming pumirma, napuno yung 3×2 ft na frame.
naisip ko lang, bakit kaya pag pinapirma tayo sa isang well-wishing frame o birthday card eh dapat tabingi yung sulat natin? yung kelangan hindi parallel sa borders ng frame? pagkakuha mo nung card automatic itatabingi mo sya tapos tsaka ka pipirma. tulad sa mga kasalan, binyagan, graduation, yearbook, autograph, tshirt, etc..
bakit kaya kelangan tabingi?
simbolo siguro ng merry making yun, or panandaliang defiance ng norms, or wholesome na pagpapahirap sa magababsa. parang konting kalokohan, yung walang halong libog. para cute. pwede rin ibig sabihin you turn me upside down. nge. kung ano pa man yan, nakakatuwa lang. isa yan sa mga automatic na bagay na ginagawa natin at naging bahagi na ng kamalayan.
habang kumakain ako naisip ko ulit si claudine. pero syempre di ko na inisip kung bakit sya pumatol kay raymart. ganun yata talaga, tabingi kapalaran ko kay claudine.
