nung isang araw nag badminton kami nila gang eh sobrang galing humataw ni jay na kalaban namin binansagan naming umaaksyon star, mala fpj, ace vergel, tapos tumatalon pa! ala dante varona!
ano na nga ba nangyari kay dante varona? ang natatandaan ko lang sa kanya tumalon sya sa san juanico bridge at nagka punit-punit ang pantalon nya. sabi ni gang, pinag-agawan pa daw ng magkalabang probinsya ng leyte at samar kung saang hospital sya dadalhin habang nakahilata sya sa ambulansya. sabagay, madya-dyaryo nga naman ang lugar at hospital na pinagdalhan sa kanya, claim to fame din yun.
pero asan na nga ba ang hari ng mga stuntman? ang konti kasi ng data sa wiki. ano na na kaya itsura nya?
dapat merong dante varona day. tapos lahat ng tao tatalon sa tulay tuwing araw na yun. kahit sa guadalupe lang. hehe.


