eto tested na sa opis, tuwing tinutugtog to maraming hiwayan at kung anu-ano pang sigh of disbelief.. mahirap kasing tanggapin na sa kaloob-looban natin gusto natin tong mga kantang to kaya lang laging may kasabay na masama o malungkot o nakakahiyang ala-ala.
3. somebody by depeche mode. malakas tama neto sa akin kasi sinayaw namin to ng first girlfriend ko sa ilalim ng mga puno sa los banos laguna. kinanta ko sa kanya. taena. tae tae na. time warp back to 1995. tumatayo balahibo ko pag naririnig ko to pero kung tutuusin maganda ang message ng kantang. “and when im asleep, i want somebody who would put her arms around me and kiss me tenderly..” waw!
2.heaven knows by rick price. minsan tinawag ko tong ultimate love song kasi sobrang lakas ng impact sa kin. crush ko nung high school first year ako pag nakikita ko sya eto lagi nagiging background music sa utak ko. pag kumakain sya, pag dumadaan sa hallway etc. eh hindi ko pa kayang lapitan baka mabuntis ko bigla so ayun hanggang tanaw nalang at kanta ng heaven knows pakshet. masarap din isayaw to sa prom. pero nakakahiyang marinig ka na kumakanta neto. hindi ka daw cool. pero lahat ng tao alam ang lyrics neto. “and all the time i act so brave im shaking inside.. why does it hurt me so?” hehe
1.king and queen of hearts by david pomeranz. eto at lahat ng kanta nya sinusumpa ko. para syang utot, ayaw mong amuyin pero kelangan. kung saan saan sumusulpot. maging sa videoke. requirement din to sa lahat ng prom sa bansa. walang ga graduate na hindi memorized to. pakshet. nakakainis na alam natina ng lyrics neto. at naiisip pa natin kung sino ang maswerteng sinayaw mo neto sa prom. waaw. bad trip pa yung isang stanza neto na puro “tion” yung dulo.. ayan napapakanta na kayo.
sensya na, kelangan ko lang ilabas.

