if you’re in big trouble for missing that dinner with her high school friends, drop by the market2 in taguig and buy her one of these:

i guarantee you it can melt even your worst chem teacher’s heart. ,
small talk guide
if you’re in big trouble for missing that dinner with her high school friends, drop by the market2 in taguig and buy her one of these:

i guarantee you it can melt even your worst chem teacher’s heart. ,
Kanina bago umuwi naisipan kong dumaan sa video city para bumili ng interesting na makita. Parang kwarto ko na tong video city na to, kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga gusto kong panoorin. yung kama nasa kanan, mesa sa kaliwa, at salamin deretso. pampa relaks, pamparaos at pampa-isip.
Habang naghahanap nakakita ako ng mga pelikulang gusto kong panoorin pero dahil gipit sa pera nagdalawang isip akong bilhin. Hindi ko rin naman sigurado kung magugustuhan ko. Sa hirap ng panahon ngayon hindi makatarungan ang mag experimento sa pera. Tatlong minuto na siguro akong nagdedebate sa sarili ng bigla akong tinapik ng attendant at sinabing overnight rents yan sir.
Hindi ako mahilig magrenta. Ayoko ng konsepto ng hiram. Gusto ko malinaw: akin o hindi. Kaya ako laging bumibili. Inaangkin ko kaagad ang gusto kong maging akin. Walang pagdududa. Ganun na kalakas tiwala ko sa sarili kong panlasa. Pero eto ako, gipit sa pera, at kaharap ang lechon na magpapawi sa nagugutom kong diwa. Labas licensya. Registro. Renta. Wala pang bente pesos bawat pelikula. Humiram ako ng apat. At bumili ako ng isa. Binili ko yung napanood ko na at gustong-gusto kong panoorin ulit.
Naisip ko, ang pagpili ng pelikula sa video city ay parang pagpili ng mga bagay sa buhay. Yung andun ka at naghahanap ng maiuuwi. Gagastos ka ng malaki, para makabili ng kopya ng paborito mong pelikula. Malas mo lang kung pangit pala, napamahal ka na ng bayad. May mga pelikulang parang kama, pamparelaks. Meron ding parang mesa, pamparaos, laman tiyan. At meron ding parang salamin, yung pinapag-isip ka at nakikita mo sarili mo. Ang pinagkaiba lang ng pagpili ng pelikula at buhay, yung isa may renta, pwede mong isoli kung ayaw mo na.
Wala pang isang oras napanood ko na yung apat. Buti nalang renta. Isosoli ko na bukas ng umaga.
