ang tingin ko sa kaso ni erap parang yung kanta ng u2, with or without you. erap, we cant live, with or without you. iniisip ko kahapon kung makulong sya, rally mga tao. kung di sya makulong, rally ulit kasi illegitimate si arroyo. sabi nga ng pinakamaarte kong opismate, ano vah?
eh ganun talaga eh. may mga taong kayang mag define ng takbo ng society natin. rizal. ninoy. cory. kris. imelda. mga ganun. ano nga ba magagawa ng taong bayan? sa tingin ko, pumili lang ng tamang paniniwalaan. at wag maging impulsive sa mga nangyayari.kelangan pag-isipan at maging mahinahon. peace lang mga tsong. wag maging kasing wild ng mga black squad sa concert ng parokya ni edgar.
para kay erap, sensya na pre, pero ginawa ka lang example ng takbo ng hustisya natin. otherwise, magmumukha tayong moro-moro sa international society. pampapogi ka rin ng gobyerno natin sa mga karaniwang pilipino. pero tsong ang hirap din kasi paniwalaan na wala kang kasalanan.. ang bad trip lang, yung mga katropa mo ayun ginawang santo. iniwan kang mag-isa. sabi mo daw kasi,walang kai-kaibigan. ayan tuloy.
pero iniisip ko ngayon, nakakulong ka na, ang hirap din pala kung mawawala ka na. magkakaroon ng imbalance sa political landscape, medyo hindi ko pa makit kung ano mangyayari. hmm. para ko naring sinabi hindi ko maisip ang isang gobyernong walang corruption. nawala nga si erap,peroalhat ng palakad ganun parin. haaay.
isang tagay para kay erap! egis erp. (manood kayo ng pisay the movie! nakakaadik. egis erp!)

