ang sarap manood ng cable lalo na kung mag isa ka lang at walang kaagaw sa remote control. kagabi napanood ko yung beauty and the geek. yung task ng beauty may iinterviewhin na economist at yung task nung geek mag sastand up comedy.
first line pa lang ni ms beauty tawa na ko ng tawa. pasensya na, ang idea yata ng show eh yung pagtawanan ang mga bobo. at ipahiya ang mga matatalino. pero mas biased ako dun sa mga nerds kasi, oo aaminin ko na, nerd din naman ako kahit papano. kaya nabadtrip ako na pinahiya nila yung geek na nag joke neto:
i wish you were sine squared and i was cosine squared so we could be one.
bwahahaha. panalo diba? tawa ako ng tawa jan. kaya di ko magets kung bakit minaliit sya. o baka naman mali lang pick up ko. baka ang idea nung show eh kaawaan ang mga magagandang bobo at mga pangit na matatalino.
medyo mahirap ngang tanong yan kung papipiliin ka sa dalawa. ang kagandahan naman pwede ipagawa kay belo. ang katalinuhan naman kelangan lang tamang edukasyon. kaya tama yung moral lesson dun sa isang kwento, piliin mo yung mas mayaman hehe

