romeo and juliet (1996). medyo na adik ako kay shakespeare, pinanood ko romeo and juliet baz luhrman version. bonus nalang yung shakespeare, dabest kasi ang soundtrack neto. at syempre height ng kagandahan ni clare danes to. at my gash ayiiii si leonardo my gash! kapag baz luhrman sigurado maganda ang soundtrack at naka high contrast ang visuals kaya gusto ko. para kang nagkaka visions tapos maka singhot ng katol hehe
“What’s in a name? that which we call a rose by any other name would smell as sweet..” - shakepeare
oo nga naman. siguro sa pag-ibig nawawalan ng saysay ang pangalan. pero sa pag-ibig naman kasi nawawalan ng saysay ang lahat. hahamakin nga daw ang lahat ikanga ni balagtas.
kanina sa opis habang nag aabang ng test results ang ibang filipino technological heroes napag-usapan nila ang mga kakaibang pangalan. marami kasi ang buntis ngayon at isa dun ay si miss bolivar. eto ang mga pangalan na kelangan nya iwasan: shaw, quezon, roxas, magsaysay at aurora. takte.
nakaka badtrip lang kasi hindi naman ako kasali sa usapan kaya hindi dapat ako nakikinig sa kanila. kaya hindi dapat ako tumatawa. eh ang hirap pa naman magpigil tumawa, kadalasan kasi lumolobo sipon ko. pakshet.
so what’s in a name? nasa atin yun. dala natin kasi kahit saan. kaya kelangan alagaan.

