ayoko ng paksiw. ayoko ng kahit anong luto na paksiw. pinaka ayaw ko ng paksiw na isda. lalo na paksiw na ganlunggong. tuwing paksiw kasi ang ulam sa bahay alam ko konting tulak nalang lupa na kakainin naming mag-anak. oo, sa tingin ko simbolo ng kahirapan ang paksiw. parang baseline, bar ng poverty line, sa larangan ng mga ulam.
gusto ko ang embutido. nakakain kolang to tuwing pasko. at laging masaya ang ala-ala ko sa embotido dahil lagi itong may kasabay na coke. para sa akin ang embutido ay simbolo ng celebration at masasayang panahon.
ako gustong-gusto ko ng paksiw. simbolo kasi ito ng kalayaan para sa akin. yung malaya akong kumain na naka kamay at masaya ang kwentuhan sa mesa. masarap din dilaan ang mga dumudikit na butil ng kanin sa ibabang labi na may sahog ng maasim-asim na paksiw. pinaka paborito ko ang paksiw na galunggong dahil gustokong binabalatan ang mga ito bago kainin. masarap din ang diluted na asim matapos uminom ng malamig na tubig.
ayoko ng embutido. simbolo ito ng kaharapan namin. kasi nung mga panahong alam kong konting tulak nalang kakain na kami ng lupa, dun kami sa tiyahin kong gumagawa ng embutido makiki utang ng ulam. walang cost kasi pwede naman ilista. iba ang pakiramdam ko kung bakit tuwing pasko may embutido sa bahay ng mga kaibigan ko.
——————
pinag-usapan namin to nina gang over sizzling bangus sa dencios. ikaw ba, paksiw o embutido?

