nung kabataan ko akala ko, ako ang pantasya ng bayan. hindi ako umaatras sa lahat ng kamera, ngiti dito, dun, sanay sa nakakabulag na ilaw ng flash. basta may pagkakataon nagpapa picture ako. hehe bukod sa meron kaming photo studio na negosyo ng lolo ko, alam ko gwapo ako at dapat lang marami ako picture.

ten years later, biglang sumulpot ang picture na to. bwakalabits. ano nakain ko nun? mukha akong tricycle. pinagsamang tutubi at butiki. pano ko kaya naisip na gwapo ako nun? takte. too late na bubble burst. parang gusto kong magpa lamon sa lupa ngayon. ipinamigay ko pa yan sa mga fans ko nun with matching keep this as a simple remembrance pakshet.
syempre gumulong sa sahig kakatawa mga kaibigan ko ng makita nila yan last week. buti nalang may anghel pa kong isang classmate, biglang nasenti at pinost eto sa blog nya. yahu. gantihan time. bwahahaha.

twelve years ago. ayan. hindi po yan costume party. yan talaga wednesday dress nila. waw. sabi ng isa kong kaibigan, pang bb baranggay ang pose nila. hehe. syempre hindi ka naman siguro magpapapicture ng ganyan kung di mo inisip na pinaka maganda ka, ayt? yey. quits. di ko na iexplain kung bakit yan japorms nila. di ko rin maintindihan eh. akala ko din jan sila pinakamaganda. naging crush ko pa isa jan. yahu. thanks ann!
sabi nga nila beauty is in the eye of the beholder. sige na nga. bawas-bawasan ko narin pagiging feeling. baka pagtawanan ko ulit sarili ko ten years from now.


