umu-otso na mga paa ko ng makarating ako sa urinal ng 18th floor at dun sa lahat ng lugar hindi ko inaasahang masasapawan ang panghi ng nagsusumabog kong ihi. nabackstage ito ng nakakabinging pabango ni mark, ang pinakamakinis kong opismate. bigla akong na time warp sa panahong nagpapapicture akong patagilid sa great image sm north. akala ko, sumabay na sa pag recede ng hairline ng dati kong roomate ang hiwaga na dala ng drakkar. pero sabi nga ng mga bading, BUT NO joeyboy. drakkar is alive. and its kicking you in the ilong. waw.
sa sobrang uso ng drakkar noon, bukod sa wala akong pera, iniwasan ko yun. at lahat ng nauso kasunod nun. polo sport, versace, aqua gio, issey miyaki, cool water. lahat yan. amoy ng binatang manyak. yung tipong kontrabidang jaime garchitorena sa pelikula nila ni andrew e at leading lady si nanet medved. hindi kasi ganun ang tingin ko sa sarili ko. amoy good boy ako. amoy johnsons baby powder.
duling na ko kaka patintero sa mga tindera at pasahero sa may sakayan sa market2. dun sa lahat ng lugar hindi ko inasahang yayakapin ako ng alingasngas ng mag syotang taga call cen-ner. hindi pa ko nagkakamali. kahit nakapikit. alam ko ang amoy ng mag syotang taga call cen-ner. siguro uso yun, sila naman talaga ang frontrunners ng philippine fashion.
pero weird, hindi ko alam ang amoy ng single na babaeng naghahanap ng katulad ko. kaya siguro wala pa ko nahahanap. hindi ko narin mahintay mag amoy may syota.

