eto ang isa sa mga highlights ng biyahe ko sa batangas nung weekend. sabi na nga ba, may nag aabang sa kin dun na walang kasing tamis. walang biro sweetheart, napaiyak ako ng sinabaw ko to sa kanin.
yan and sandoval chocolate ng mabini, batangas. madadaanan nyo ang stall nila papuntang anilao. wag kaligtaan. baka eto na ang hinihintay nyo.. mababago ang pananaw nyo sa buhay sa bawat higop.
naalala ko ang mga hapon ng kabataan ko habang nagbabakasyon tuwing tag init sa san agustin surigao del sur. walang mintis, bawat paggising sa siesta at bago magdapithapon, may nagaabang na umuusok na champorado na gawa sa cacao sa bakuran. nung mga araw na yun, hindi ko alam ang ibig sabihin ng problema.
salamat kay rose at sa mga magulang nya sa napakasarap na tsokolate at lahat ng pagkain. lumusog ako ng 5 pounds. yeah. mabuhay ang mabini batangas!


