two weekends ago pumunta ako sa kasal ng kaibigan kong si bambi at asawa nyang si john. pareho silang chemical engineers. at parehong nasa packing business. oo, sila na mismo nag joke magiging family of packers sila. gusto ko silang batiin dito, best wishes mga tsong!
yan ang bride. sanay kaming tawagin syang bjm. initials nya. ngayong kasal na sya kay john, bjm-p na. waw. astig. si bambi ay isa sa mga pinakamagandang pinay engrs na nakilala ko. yung isa nag-iintern sa NASA. naks. palakpak tenga ng nasa florida. hehe.
syempre kung may bride may bridesmaids. eto kakaiba, ang mga engr na bridesmaid bihira lang mag bestida. kaya dinala ako para mag paparazzi sa kanila. alam nilang backstage sila sa official photographer ng kasal. wais. iba rin pala pag naayusan ang mga to. kahit papano, nagmumukhang kaaya-aya. sanay kasi akong makita sila na calculator, pliers at spec sheets ang dala. sige na nga. dahil sa laki ng difference ng before and after, magaganda narin sila. yey!
pero ewan ko ba, kahit ano pang matinding transformation ang gawin, bumabalik talaga sa totoong kulay. hahay.
hehehe. mabuhay ang mga pinay engrs!
more pics here. best wishes bambi and john!


