medyo mabagal mag upload ng pics sa multiply ko ngayon kaya standby muna tayo sa ilocos tour. pero isa sa mga highlights ng biyaheng yun, narealize ko, tanggap ko ng matanda na nga ako kasi nag eenjoy na ko sa taenang videoke na yan. impak, dun ko rin nalaman ang top three videoke songs na kaya kong ipambato sa all star k! the one million peso videoke challenge. yey.
at number 3, andrew E’s andrew ford medina. eto ang unang exposure ko sa pinoy hiphop kasabay ng mga kababayan ko ni francisM. kaya hindi nakapagtataka na kahit tumatae ako sa gitna ng dagat na maraming pating kabisado ko to. eto yung kantang marinig mo lang ang beat alam mo na kagad ang kasabay na lyrics. pang lss lang, lahat sila nakatira sa san lorenzo vill among the four.. kay anna, ako napatingin hehe kanta pa! hehe nung minsan napunta ako sa san lorenzo vill laking tuwa ko parang wish ko lang episode ko nung grade 4 ayus!
number 2. kastilyong buhangin. grade two ako ng sinubukan kong lumaban sa singing contest sa school. medyo boses ipis ako nun kaya i was politely kicked out of the contest kasi may sakit daw ako. pero tulad ng lahat bagay, yung mga failures natin ang nagpapatibay sa atin kaya mula grade two hanggang two weeks ago, minaster ko ang kantang to. nagngitngit sa galit ang munti kong puso, na dahil sa kantang to, sinabihan akong hindi ako marunong umawit. asan na kayo ngayon? walang lang basagan ng beer sa ulo. hahamunin ko kayo. guguho kayong parang kastilyong buhangin.
number 1, bituing walang ningning. e-explain ko pa ba? mahal ko si sharon cuneta. pakshet. walang basagan ng trip. sabay sabay: balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal…
jologs kung jologs. bring it on!

