medyo adik sa history at lahat ng bagay na makaluma. kaya siguro di ako makawala sa mga bagay na nakaraan na. buhay parin ang galit ko sa mga kastila kaya medyo hindi ako nagsisimba. kaya ultimate high sa akin ang vigan.
lahat dito, parang na trap sa kahapon. cobblestones, kalesa, wood sculptures, architecture.
ang idea ko kasi ng romantic, medyo historical pero timeless. sa vigan, two steps palang sa calle crisologo, nainlab ako. sa sarili ko. joke. pero iba pakiramdam pagdating ko dun. parang angtagal ko ng nakatira dun.
pag-alis ko naman, pakiramdam ko, lahat bago.


