medyo tanggap ko na sinumpa ako ng tadhana ngayong taon. sa daming kapalpakan na nangyari sa kin ewan ko ba, naka apak siguro ako ng dewende dito sa pembo. last wednesday, tuwang-tuwa akong lumabas ng opis kasi ang dami kong na check in na files.. hinanda ko sarili para sa isang munting celebrasyon. kakain ako ng choco mousse sa red ribbon! yey.
habang papunta ng market2 napadaan ako sa serendra at nakita ko ang bpi express deposit machine sa branch nila. nagkataon din na puno ng cash bulsa ko kasi hindi ako natuloy sa pagbayad ng credit card bills. naisipan kong ideposit muna ang cash pang safety. derecho ako sa machine. sabi ni addy, wala daw sya tiwala sa machine na to pang deposit. sabi ko naman, dude, 5 years na ko gumagamit neto. naks. pero totoo, matagal na kong gumagamit neto kasi naaliw ako sa interface, lalo na yung accuracy sa pagbilang ng tamang number of bills at denomination. ang style neto, parang atm machine. ipasok mo yung atm card, then ilagay mo ang pera sa slot, then bibilangin ng machine ang pera mo, then real time magrereflect ang deposit sa atm account mo, unlike the envelop transcation.
salpak ako ng PX,000. toot toot. please wait. after 15 minutes, aba. please wait parin. mukha na kong holdaper ng katabing atm kakahintay. waw naman sweetheart. wala na ko load pangtawag sa 89100, di ko pa maiwanan ang machine kasi sabi nga please wait. baka pag alis ko iluwa yung pera at atm card ko. ayoko na maghirap. papatay na ko para sa PX,000. ilang medyas na rin mabibili ko nyan.
buti nalang may mga kaibigan ako at may mababait pa palang guard, lalo na yung mga guard sa serendra, nakatawag din ako sa wakas sa bpi hotline. at totoo nga, three days later, nag reflect ang deposit ko, at papalitan narin ang atm card ko. kala ko end of the world na.
buti nalang nasanay na ko sa kamalasan, hindi na madaling uminit ulo ko. baka mamura ko na naman tulad ng sa globe. totoong may mararating ang malamig na ulo.
ang concern ko kasi nun, baka iluwa nga yung pera ko pag iniwanan ko yung machine. sabi ng hotline, yung deposit machine pala, papasok lahat ng pera, walang ilalabas unless may sira ang bill or unacceptable. so trapped na lahat ng cash mo. second concern ko, yung atm card, baka iluwa rin. ang solusyon: ipa-invalidate mo yung atm card. 4 days later may bago ka ng card. pangatlong concern ko, pano kung hindi ma credit sa account ko yung PX,000 na failed transaction? sabi nung hotline, icocompare nila sa online na naglog na deposit versus the actual cash count. yung excess in cash dun sa machine, madedeposit sa account ko. sabi ko, ano ang guarantee na tama ang ipasok nyong amount? pano kung ideclare nyo na 100 lang nilagay ko? sabi nila, you have to trust us. and then kinontrol ko init ng ulo. oo nga naman. ano pa nga ba magagawa ko kundi magtiwala.
bumili parin ako ng choco mousse. pinaghatian namin ng mga kaibigan kong nakiramay. this time, pampalamig na ng ulo, pampa wala ng hiblood.
kanina, naconfirm ko, na credit na ang deposit. napangiti ako. nabuild yung tiwala ko. hindi na ako lilipat ng banko. thumbs up. panalo.

