masakit na ang paa ni sweetheart kakalakad sa matigas at madulas na marble tiles ng mall pero di sya matinag sa pagtupad sa naka checklist sa palad nya ng gabing na yun: ang makabili ng ticket sa lotto. daig pa neto ang pila sa one more chance ni john lloyd at bea. di bale ng magtiis ulit sa chirchiryang ulam ang apat nyang anak pag-uwi, mas mabigat sa damdamin ang palampasin ang pagkakatong magbakasali, na baka bukas, mabubura na ang mga bakas ng kahirapan sa kanyang nanunuyong balat.
welcome to the malacanang palace of the north. eto ang kwarto kung saan nagbabanatan si macoy at imelda. nakakatindig balahibo sweetheart. pwede kong sabihin na bahagi ito sa mga dahilan kung bakit baluktot ka mag-isip. di mo man alam, malamang, dito nagsimula ang iyong kahirapan.
ang ganda ng malacanang palace of the north. makintab parin ang sahig. maayos ang mga kagamitan. maaliwalas. pero malungkot. at medyo mabigat sa pakiramdam. kalahati ko sinasabing sayang, gusto ko kasi ang conept of beauty ni imelda na nakita ko dun sa docu ng buhay nya. at gusto ko yung spirit ni macoy na i-champion ang galing ng pilipino. at kalahti ko galit, na ang paraan para makamit lahat ng ambition nya ay sa cost ng kalayaan ng buong bayan. sayang.
weird. sa isang bahay na puno ng karangyaan, ang naalala ko, taenang mga to, nilugmok tayo sa kahirapan.
gabi na ng makauwi sa sweetheart sa kanyang bahay na kasing laki rin ng malacanang of the north. in fact kelangan nya pang sumigaw na parang inahin sa kanyang mga sisiw para maghapunan. ganun kalaki ang ilalim ng tulay.

