duling na ko sa walang awang pananalasa ng pagtatae sa munti kong sikmura, tsaka ko lang naisip na oo nga pala, may doctor na pwedeng hingan ng tulong. medyo tatlong araw na kong may hourly date sa kubeta. muli, napatunayan kong medyo matigas talaga ulo ng mga engr. ang hilig mag lider-lideran. akalain mo ba naman pina-inom akong kremil-s ng opismate ko. panalo.
sabi ni doc pag may diarrhea ka, kailangan mong kumain ng BRATS. banana. rice. apple. tea. at ano na nga ba yung S. nakalimutan ko. at iwasan lalo na ang mga oily at fatty food. actually doc ok na ko kaninang umaga eh. pero bumalik nung lunch. ano ba kinain mo. pizza. palakpakan naman jan.
ano na nga ba yung S? sex ba? hehe hala lagot nakalimutan ko.
tsaka pag tatlong araw na ang diarrhea na hindi kinaya ng diatabs at immodium, kelangan na ipakonsulta sa duktor. ayon sa lab test ko kanina, may bacteria akong na ingest. di ko nalang sinabi kay dok, na ang huling pustahan ko sa sarili ko ay kung magkakasakit man ako, dahil yun sa fruit flies na nakita ko sa lalagyan ko ng ice cubes. hehe kaya eto, tatlong araw ako bawal kumain ng masasarap at bawal uminom at kelangan mag antibiotic. ok na yun kaysa tiisin kong tumatambling sa banyo habang noche buena.
moral lesson: marami. wag kakain ng oily food pag malapit na gumaling sa diarrhea. hindi gamot ng diarrhea ang kremil-s. at hugasan ang lalagyan ng ice cubes bago lagyan ng tubig.
oo na diarrhea din ako last year. pero horror story yun. yoko na alalahanin. hehe
maraming salamat nga pala sa staff ng Healthway medical center sa market-market sa pag-alaga sa kin.

