di ko sana ilalabas to kaya lang nag text si aileen sa kin na nakita nya ko.. nakita nya ko sa maging sino ka man pilot episode last night. oo mga sweetheart. i did it again. lumabas ulit ako bilang extra, this time, sa tv naman. balak ko kasi talagang iinvade ang all forms of media. print. radio. movies. tv. yung album ko lalabas na rin next year. abangan.
kagabi kung nanood kayo, ako yung isang photographer dun sa bank opening ni christopher de leon na naka blue checkered polo. andun ako nung sumabog ang building. hehe. di ko sinabi rito kasi sa totoo lang medyo napahiya ako sa appearance ko sa one more chance. kalahati ko kasi iniisip na baka nag box office hit yun ay dahil marami akong naconvince na lalabas ako sa pelikula pero mga apat lang ang nag confirm na nakita nga ako. e dito sa tv baka binura din ako kaya tinago ko muna. eh since may nakakita na, pwede ko na sabihin. ang bad trip lang, teleserye to. walang playdate na two weeks sa sinehan. hehe.
oo alam ko medyo malayo na narating ko sa showbiz pero di tulad ng iba, hindi ako nakakalimot. gusto kong pasalamatan ang kuya ko na nagpahiram ng kotse sa akin para makarating sa taping. kina mayla, aimee at sa production staff ng mksm, kay nars na ep, at kay mico ng promotions. at sa fans club ko. di ko mararating to kung wala kayo. hehe. nasasanay na ko dito ah. natutupad na ang pangarap kong maging dakilang extra!
walang basagan ng trip.

