heath ledger died on a bad day at the wallstreet. naisip ko lang siguro nag invest yun ng todo tapos naunahan ng kaba kasi praning na naman ang mga traders, baka nalunok nya na ang pills bago mag announce ng rates cut ang fed.. bata pa tayo at 28 pareng heath, pero mukhang nagawa mo na lahat ng gusto kong gawin kaya di na rin masama ang iyong paglipas.
namatay narin pala si brad renfro, yung bata sa the client. weird no? bakit kelangan nilang gumamit ng kung anu-anong pills. kaya kahit papano masaya narin ako sa desisyun ko noon na talikuran ang offer sa aking mag model sa isang hairstyle competition. nakaka sira ng ulo ang success kung hindi pinaghirapan. eh hindi ko pa na naman kelangan ng effort para sumikat. mukha pa lang eh. hehehe. walang basagan ng trip.
naalala ko si rico yan. at si kurt cobain. halos mag kaka edad lang ang mga yan ng mamatay. may kakaibang sumpa talaga ang 27-28. ganun din ang 36-37. si princess diana at anna nicole smith. tsaka yung 89. diba? bakit kaya?
tapos ngayon nanood ako ng tv, laman si heath ledger ng balita sa buong mundo. tapos lumipat ako to cnbc at bloomberg. tuloy ang buhay. tuloy ang ikot ng pera. lipat ako to cnn. nag break out sa gaza. hindi para mag migrate to egypt ang mga palestinians kundi para bumili ng supplies. tuloy ang takbo ng buhay.
hindi titigil ang mundo kung mawala ang isa sa atin. kaya wag nating sayangin ang panahon sa pagpa pacute at pag inarte at pagpapansin. ang motto ko ngayon, sabay toast ng hawak kong protein milkshake: live like each day is your last.

