may malaki akong problema. actually di naman problema. medyo nanganganib lang yung reputasyon ko bilang matinong tao. napansin ko to ng mag check ako ng stats ko sa statcounter. akala ko kasing sikat ko sina jayvee abe markku at kiven. dinagsa ako ng hits. waw.
punta kayong google. search nyo naked swedish girls. takte. tulong. paano nangyari yun?
may pangarap pa po akong maging senador at tumulong sa kapwa at magka pamilya at magka anak.. at matagal na po akong nagsisi sa mga kasalanang nagawa ko sa mga babae (na ginamit lang ang katawan ko kaya tama lang sa kanila yun hehe joke lang pero nagsisi na ko talaga) at dun sa mga kupal sa buhay ko pero wag naman sana ganito.. sana pantay lang ang gantihan.. ay wag naman pantay.. yung cute lang.
sabi nga daw sa pelikula ni manny paquiao kung kalabaw ang ninakaw kalabaw din ang papatay. huh? teka. mali. analogy. analogy.
pero totoo. hindi maganda ang ganitong biro. nagbabagong buhay na ko. pero ayaw ako tantanan ng nakaraan. haay.

