
nagmamagaling ako. inisip ko ang etymology ng salitang biyahero. oo dapat biyahe-ro.o taong mahilig bumiyahe. pakshet. pero sa bisaya, pwedeng “biya”-hero o taong mahilig mang-iwan. hehe hindi naman. pwede ring be-a-hero. ayan hero na.
kuha ko yan nung bumiyahe ako ng davao-tacloban mag-isa. 24 hours landtrip including a ferry ride. mahilig talaga ako bumiyahe. kakaibang wisdom ang nakukuha ko sa kalsada. pakiramdam ko nagiging mas matalino ako. naks. pakiramdam ko, mayaman na ko. yey. kasi marami akong nadadaanang mas nagihihirap pa sa akin. pakiramdam ko rin, dapat meron akong gawin. kasi mapalad akong nakikita ang mga yun sa puntong panlabas. mas alam ko kung ano dapat gawin. nasa posisyon na ko para tumulong.
magpapakadeep sana ako pero wala ako sa mood. natuwa lang ako na medyo nostalgic ng makitako ang picture na yan. ang sarap sarap sa pakiramdam talaga pag bumibiyahe. taenang trabaho kasi to bakit kelangan pa ko umupo sa opisina. pwede ko naman gawin yun while i sip champagne on a yacht.. teka kanta yun ah. pero di pa naman huli ang lahat. may weekends naman eh. ganun talaga ang buhay joeyboy. dukha ka, mahirap, hampaslupa at maitim ang pwet. eh ano naman. bibiyahe ako kung kelan ko gusto. punitin ang sedulang nagsusupil ng kalayaang bumiyahe. aray sweetheart wag naman sa batok. pakiss.
trip triplang. malapit na summer. tara na biyahe tayo!
»read more from "biya-hero"