ang sukatan ko noon ng success ay kapag na feature na ko sa pipol na show ni ces drilon sa abscbn. tapos nauso yung google, kelangan magkaroon kaman lang ng 20 entries sa google. tapos yung lumabas pangalan sa dyaryo. tapos sa magazine. tapos marinig sa radyo. tapos lumabas sa tv. tapos sa pelikula. tapos sa teleserye. ehem. ehem. plema kayo jan.
matagal kong iniisip ‘tong project na to. simula nung may nagpasalamt sa kin kasi sa wakas pag ginoogle daw pangalan nya, hindi na yung obispo nila ang lagi nyang nababasa kundi sarili nya. sa wakas, may kwento na tungkol sa kanya. napaisip ako. oo nga no. lahat tayo may lugar dito sa mundo. at lahat tayo may kwento.
sabi nga ni gang, ang kasaysayan ng isang bayan ay isang malaking tinipong kwento ng mga mamamayan. lahat tayo may kanya-kanyang kwento nung edsa 2, at ngayon bahagi na sya ng kasaysayan. kung lahat tayo nagkwento ng karangyaan masasabing umuunlad na ang ating bayan. kung lahat naman tayo may kwento ng kahirapan, ibig sabihin, naghihirap ang bayan.
sa project na to, gusto kong marinig nyo ang kwento ng mga taong nakapalibot sa akin, online man o personal. yung mga dahilan kung bakit ako masaya, malibog, praning at gwapo. at kung bakit kayo rin ay nakakasakay sa mga kwento dito. kayo na bahala sumuyod sa mga posts ko nung nakaraan kung sino-sino sila/kayo dun. sabi ko nga nun, lahat tayo ay kanya-kanyang celebrity na ng iba. idol sa iba’t-ibang aspeto ng buhay.
ito rin ay tribute ko sa mga kaibigan kong bihira ko nalang makita. karamihan nag abroad na. yung iba naman may iba ng prioridad sa buhay. syempre, tumatanda tayo. hinahabol ang mga pangarap. gustuhin man natin, hindi na natin pwedeng ibalik ang mga kagaguhan natin nun. hindi rin tayo pwedeng manatiling ganito. kelangan lumipas ang panahon. kelangan magkahiwalay tayo ng landas,para mas maging makabuluhan ang ating nakaraan. pero hindi ibig sabihin na kakalimutan nalang natin ang ating pinagsamahan. naks ang senti, parang kanta ng eheads, yung minsan.
kaya sa mga susunod na lingo, abangan nyo. dito, kayo naman ang bida.
oops. nakalimutan kong idagdag. no holds barred to. bwahahaha.


