sigurado ako, ako lang ang nakapag bigay sa yo ng picture ng flowers sa valentine’s day. total di naman tayo magkikita dahil may banta daw sa katahimikan ng lipunan at marami kang trabaho at may mga kaso kang ipinaglalaban para sa kabutihan ng lahat, hayaan mo na akong mag bigay sa yo ng mga bulaklak na yan. wala kasi akong picture ng rosas.
pero alam mo namang iba tayo. araw-araw tayo balentyms.
sa lahat ng may mga nagpupumigil, nagpupumiglas at nag uumapaw na mga damdamin, pasalamat kayo at ginawa ang araw na to. ito na ang pagkakataong maging corny at magpaka tanga na di ka mahuhusgahan. kaya wag palipasin. sabihin na ang dapat sabihin…
sweetheart. i love you. awwwwww!

