ang buhay ay isang mahabang paglalakbay. ang daming pwedeng puntahan. ang daming pagpipilian. biyaheng parang walang hangganan.
sabi nga nila, a journey of a thousand miles begins with a single step. sa simula, nangangapa tayong lahat. madilim at maiiksi ang mga dadaanan. walang kasiguruhan kung saan ang tamang daan. kung pakanan, pakaliwa, dederecho o pabalik. pero hindi dapat tayo tumitigil. tuloy lang ang buhay.

