ang buhay ay isang mahabang paglalakbay. ang daming pwedeng puntahan. ang daming pagpipilian. biyaheng parang walang hangganan.
sabi nga nila, a journey of a thousand miles begins with a single step. sa simula, nangangapa tayong lahat. madilim at maiiksi ang mga dadaanan. walang kasiguruhan kung saan ang tamang daan. kung pakanan, pakaliwa, dederecho o pabalik. pero hindi dapat tayo tumitigil. tuloy lang ang buhay.
tapos darating tayo sa punto na lahat kaya na nating dalhin. may tiwala na sa sarili. lahat pataas, at maaliwalas.
at minsan nasosobrahan natin. nagiging adventurous. nagiging mabilis tayo, lumilipad sa mga paliko. carefee, reckless at wild. dahil malaya.
at lahat tayo darating sa punto ng paghahanap ng mga bagay na magbibigay sa atin ng katahimikan. mga bagay na pinaka mahalaga sa buhay.
ang buhay ay isang malaking lipon ng mga kwento ng paglalakbay. wag nating hayaang lumipas ang buhay na wala tayong kwentong maibabahagi sa iba.
photos by joey climaco. batanes. february 2008. more shots here.
————
this photo essay was my entry to the Epson in Batanes photo contest. nanalo ako ng epson stylus rx690! yey! many thanks to EPSON for sponsoring our trip. salamat din kay charl, anika at gretchen of geisermaclang. at kay markku na nagyaya sa kin. salamat sa kakaibang experience na yun.


